Here is the complete list of winners in the Cinemalaya Independent Film Festival 2012 held at the Main Theater of Cultural Center of the Philippines:
FULL LENGTH (NEW BREED OF DIRECTORS) CATEGORY:
Best Film: âDiabloâ
Special Jury Prize: âRequiemeâ
Audience Choice: âAng Nawawalaâ
Best Director: Mes de Guzman âDiabloâ
Best Actress: Ama Quiambao, âDiabloâ
Best Actor: Kristoffer King, âOrosâ
Best Supporting Actress: Anita Linda, âSanta NiĂąaâ
Best Supporting Actor: Joross Gamboa, âIntoy Syokoy ng Kalye Marinoâ
Best Screenplay: Rody Vera, âRequiemeâ
Best Cinematography: Tristan Salas, âDiabloâ
Best Production Design: Benjamin Payumo, âIntoy Syokoy ng Kalye Marinoâ
Best Editing: John Wong and Rona delos Reyes, âThe Animalsâ
Best Original Music Score: Mikey Amistoso, Diego Mapa, and Jazz Nicolas, âAng Nawawalaâ
Best Sound Recording: Albert Michael Idioma, âAparisyonâ
NETPAC Awardee: âDiabloâ
DIRECTORS SHOWCASE CATEGORY:
Best Film: âPosasâ
Special Jury Prize: âKamera Obskuraâ
Audience Choice: âBwakawâ
Best Director: Raymond Red, âKamera Obskuraâ BestâŚ
‘Kala ‘ko dati masaya na ‘kong may dayuhan at banyagang nagla-like at nagkokomento sa blog ko. Ngayon ko lang naisip, mas masaya rin pala kung alam mong matapos kang sagasaan ng panghuhusga (pero ‘di ka makaimik; unlike your college carefree days), heto’t may kapirasong papel ka na (bukod sa TOR at Diploma) na magpapatunay na sa kabila ng 5″ heels mo eh may laman din pala ang utak mo. At kayang bigyang-buhay ng mga kamay mo ang magagandang ideyang nagta-tumbling-tumbling sa kasuluk-sulukan nito. ‘Alcohol intolerant’ ako pero sige na nga, CHEERS! đ
Honestly, Iâm finding it hard to convince myself that we wonât be able to see Cinemalaya together. (Again. Always. Just like Sagada Adventure that never was.) I also find it difficult to console myself that you have far more important things to do for that day; more important than being with me. Worse, I find it not normal to âcelebrateâ or âpost-celebrateâ July 20 alone, what, for the fourth time. I donât even remember us literally celebrating it. God! This pain in me is just too heavy to bear. And I felt like crying. And I felt that leaving this unsaid wonât help me deal with the situation. I have been loving you, Jegz. Seriously. Itâs just that I feel so rejected. Always. By you.
Ayokong manumbat ng anuman. Ayokong manukat ng alinman. Ang sa âkin lang, malaman mo na maaaring sinabi ko sa âyo na âokay langâ, pero hindi naman talaga ako âokayâ. At nagtatampo ako sa âyo. Pero âdi naman kita maaway dahil alam ko kung gaâno kabigat ang mga problema mo sa bahay.
At kahit ang sakit-sakit na, kahit gustong-gusto ko nang malaman mo, mas pipiliin ko pa ring hindi na lang i-send âto. Pero naisip ko, bakit nga ba hindi? I have all the right in the world to do this. Kaya âyan. Binabasa mo na âto ngayon. Maybe the thought of you reading this will somehow make me feel better.
I love you. Still. Maybe because you are the only man who has the guts to reject me.
***
***
REVERSE
âDi ko na matandaan kung ilang beses mo na âkong binanatan ng ganyan. Masakit âyon dahil alam kong sinasabi mo man na ayaw mo eh alam ko rin na sagad sa buto [gusto mong malaman ko]. âDi na âko nagsasalita pabalik; âdi ko na lang din dinaramdam. Pero hindi ibig sabihin noân na wala akong pakialam o balewala ka na sa âkin.
Minsan kasi, âyong pananahimik eh hindi laging nangangahulugan na, oo na sige na, mali na âko, tanggap ko; kundi: hindi na lang ako magsasalita para âdi na humaba, mahal ko kasi siya at ayaw ko nang nag-aaway kami.
Sorry na.
***
VERSE
A man-woman relationship is a cycle of sado-massochism. And most of the time we are aware of the cycle and that we are actually in the cycle. We wanted to get out of the routine but we just can’t because it has been a part of our system. Na kapag nawala’y hahanap-hanapin. Loving looks Squidward-ish but feels Sponge Bob-ish; so, we act Patrick-ish.
Cinemalaya 2012 CINEMALAYA 2012 TICKETS AND PASSES ARE ALREADY AVAILABLE AT THE CCP STARTING JULY 17. CALL : 832-3704 / 832-1125 LOCAL : 1405, 1409, 1410 OR 1803.
It’s true. Gusto ko talagang matutong mag-drive mula nang magkatrabaho na ‘ko. Kaso wala pa ‘kong pambili ng wheels. Oh well… hindi ‘yan ang topic natin ngayon.
Sounds muna…
***
Na-try ko nang mag-bump car sa isang amusement park. At ang hirap pala. (Lalo kapag bumibitiw ang kuryente sa sinasakyan mong car. Na kahit anong maniobra to the left, maniobra to the right mo eh parang walang nangyayari.)
At parang nakakagago ‘yong ideya na nagmamaneho ka para makipagbanggaan. Babanggain mo ang pinakamalapit na target habang sa likod mo pala (at sa gilid pati) ay may tuma-target din sa ‘yo para banggain dahil ikaw ang pinakamalapit nilang target. Hanggang tatawa-tawang para kayong mga uga na nagkumpulan na sa gitna. ‘Di makagalaw. ‘Di makalusot. Dyahe na, sayang pa ang ibinayad mo sa ticket.
Sa kabilang banda, kapag naman swift, smooth at swabe (synonyms lang yata ‘reng tinitira kong adjectives) lang ang tirada mo ng pagmamaneho, para ka namang loser. Habang ang iba ay isinasabuhay ang idyotang purpose ng bump cars, heto ka nag-a-ala-Go Kart!
Eniweeeeyssss…. hindi naman ulit ‘yan ang topic.
***
Naranasan mo na bang umiwas? Tapos para ka pa ring tae na sinusundan ng langaw saan ka man mapadpad? (Meaning: umiiwas ka na nga, sinusundan ka pa rin. Ayan tuloy, natuto ka nang yakapin ang presensya niya sa mumunti at masaklap mong buhay.)
Ako? Parang oo. But that’s another story.
May gaga akong kaibigan, itago natin sa pangalang Lady Gaga, na nagtataglay ng exotic na kagandahan. Pheromones yata ang ipinapaligo niya sa umaga bago umalis ng bahay (o dorm ngayong nagtatrabaho na siya), ipinapabango sa kanyang mapilantik na mga pulso, at iniinom na tila morning coffee. Or juice. So ayon nga… maraming nahuhumaling sa kanyang makipot na baywang, malapad na balakang, morenang kutis, at mga matang pangpusa kung high tide.
Kaso mo… may nobyo na siya. Of six years. And counting.
At lalong malala, hindi niya mapigil ang sarili niyang magpapatol kahit paharot mode lang. Kung makipagbiruan, laging double-meaning. She can’t help it. She’s a natural. At parang kapag nagbago siya eh parang hindi na siya ‘yon.
And now… nahihirapan na siya. Kasi alam naman niyang boyfriend lang niya ang may kakayahang mahalin siya nang walang halong alamona. I mean, mayro’n namang sexual attraction ‘yong boyfriend niya sa kanya (animal instinct ng mga tao) pero mas nananaig do’n ‘yong pagmamahal niya kay Lady Gaga. To the point na pinaplano niya, hindi lang ang magpunla ng kanyang lahi sa kaibigan ko, kundi ang magtayo ng isang tahanan kasama niya. Um-attend ng PTCA meetings. Mag-DVD marathon kung Linggo. At makipagbatuhan ng foam ng sabong panlaba kung Sabado.
Alam niya kung ano ang dapat niyang piliin sa huli pero ang problema, pirmi pa niyang ipinaaabot sa sitwasyong kailangan pa niyang pumili.
At kagaya nga ng kasabihang, “Mahirap gisingin ang taong gising,” masasabi ko kay Lady Gaga na, “Mahirap kamutin ang taong makati.” Walang koneksyon. Pero basta gano’n.
***
Tamang comment ng inyong lingkod sa huling blog post ni kaibigang makire:
Sabi ko nga sa âyo noon pa. As in noong-noon pa: si Patchie mo (whatever you call him) loves you. All the other guys around you just âlikeâ you. They just desire your being âsensualâ. Curious sila kung anong lasa ng isang Dama. You know what i mean. The spaghetti with or without cheese thing. :3
Kung feeling mo lagi kayong nagkakabanggaan ng flirt mong kaopisina: better change route now. Kaysa magpreno ka nang magpreno every few minutes. Nakakahilo. At nakakasuka.
Desire literally means something you want so much that isn’t in your hands. At since desire nga siya ng mga kalalakihang marupok at makambyo, ano na lang ang mangyayari sa kaibigan ko kapag na-satisfy na nila ang kanilang desire? Kapag naging bahagi na siya ng kanilang malumot (read: wet and green) na reality?