Mahirap Magsalita sa Binging may Pandinig Setyembre 10, 2009
Posted by lunatica in tula.Tags: bingi, jamila millar
add a comment
Sabe ko sa ‘yo masakit,
Ni hindi mo ‘ko inintindi.
Alam kong kaya mo ‘kong pagalingin.
Sabe ko sa kanya masakit,
Halos magTumbling siya para pagalingin ako.
Pero ‘di naman niya kaya.
Ayan tuloy,
Nagnaknak na.
Nais ko’y Muling Tumula Agosto 19, 2009
Posted by lunatica in lit worx, tula.Tags: jamila millar
1 comment so far
Mahal na mahal kita…
Higit sa kahit na anong kanta.
Balong walang katumbas ang kalaliman.
Paningin ng isang bulag,
Musika ng bingi,
Berso ng pipi,
Damdamin ng manhid.
Gusto ko muling tumula para sa ‘yo.
Ngunit ‘di ko na maalala kung papaano.