La Lunatica

Mga Blah-blah ni Aning-Aning

Eh badtrip eh!

on December 22, 2011

Kung masusunog kaya lahat ng mga trapo sa Pilipinas nang sabay-sabay, ilang fire alarms kaya ang aabutin? At bakit kaya ‘di nila mapigilang ipagyabang ‘yong kanilang mga “accomplishments” eh samantalang trabaho naman nila ‘yon?! Binabayaran sila ng taumbayan para gawin ‘yon. At pera rin ng taumbayan ang ginagamit para ma-accomplish nila mga ‘yon; hindi ng mga pribadong kumpanya na pag-aari ng mga dayuhan AKA “sponsors”.

Taenang administrasyon! Pirming isinusulong mga technical at vocational courses! Dahil nga naman daw hindi lahat ng mga magulang eh may kakayahang magpaaral ng kolehiyo. Eh puchaena, sila na nga nagsabing edukasyon ang unti-unting magwawakas sa kahirapan eh bakit ‘di na lang kaya nila unti-unting gawing libre ang pag-aaral sa kolehiyo? Lampas 100 ang SUCs sa buong Pilipinas! Takte na ‘yan! Nagpo-produce lang tayo nang nagpo-produce ng mga “skilled” OFWs at nakuntento na sa remittance. Badtrip!

Ang totoong aktibista ay progresibo mag-isip. Hindi lang niya saulado ang mga problema ng bayan; may naiisip din siyang mga solusyon para malutas o mapagaan man lang ang mga problemang ito. Ang tunay na aktibista ay hindi lang simpleng liberal at kritikal at hindi lang martsa nang martsa’t pinagsisigawan kung ga’no kawalang-silbi ang mga nagpapairal ng sistema sa bansa.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.