Para maging Presidente nga ng Pilipinas kailangan lang true-blue Pinoy ka, residente ng Pinas sampung taon bago ang eleksyon, registered voter, nasa tamang edad (40 years old) at marunong kang magbasa at magsulat eh. ‘Di pa tinukoy kung dapat ba eh marunong ka ring magbasa at magsulat nang tama. Tapos ako, para lang mapermanente sa trabaho at maambunan ng kaunting benepisyo, kailangan ko pang kumuha ng legibility exam at mag-masteral. Para bang ‘di pa sapat ‘yong napatunayan kong kakayahan sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan!

