ung The Tourist, maganda un eh. maganda ung sinabi ni angelina jolie. may medallion kasi syang suot. bigay daw un ng asawa nyang nagnanakaw sa mga gangster na ngayo’y wanted na’t nagtatago. two-faced ung disenyo ng medallion. sabi raw kasi, ang isang tao ay laging may dalawang sides. good side, bad side. at kpag nagmahal ka raw, kailangan, matutuhan mong yakapin un pareho. sorry kung ngayon q lang nailalabas ung mga saloobin ko ha? sa txt pa. napaka-informal. pramis, last na tong gabing to. dahil nag-sorry ako, nangangako akong hinding-hindi ko na uulitin. *hingang malalim* tulog na talaga q. totoo na to. i can’t lose you jegz. that’s how i love you! soooooory!
there’s a danger in loving somebody too much. and it’s sad when you know, it’s your heart you can’t trust. there’s a reason why people don’t stay where they are. baby sometimes love just aint enough. gandang kanta! pero hndi yan ung tugtog pagkagising ko: Hay Naku. jegz, hindi naman ung kinikita mo ang gusto ko o kailangan ko eh. quality time lang okay na. kahit manood lang tayo ng paulit-ulit na pelikula basta hindi mo ‘ko tutulugan. kahit magkape lang tau nang magkape kesa mag-marty’s. kahit magkwentuhan lang tayo sa likod, sa ilalim ng punong-duhat at buwan; hindi ung pag ako kasama mo 12 MN pa lang inaantok kn smantalang pag may gig o may praktis, alas kwatro na dilat kp. hindi ako materyosa, kwento mo lang buhay nq. ung maramdaman q lang ulit ung halaga q sau, solb nq. hindi pera jegz. hindi ako ganun.
gudnyt sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. mahal na mahal kita. wag mong kalilimutan yan kahit san ka man dalhin ng mga pangarap mo. ang musika mo’y iyo; hindi para sa akin. namimiss ko ung kahapon natin (na nasira kakaasikaso ng kung anu-anong mga parapernalya para sa pinapangarap na bukas).
jefferson velasco, i know peoplw change. and so are relationships. i totally accept that. pero bakit naman ganyan? kung nagtataka ka kung bakit ako nagkakaganto, pwede mong basahin ulit ung txt mo. hindi ko lang kasi matanggap. ewan. sobrang pre-occupied kn ng ibang mga bagay. and i’m starting to doubt you. seriously. don’t let me doubt this relationship. and to be honest, hindi ko na kayang panghawakan yang mga pangako mo. ayoko ng away pero ilang buwan ko na rin kasing kinikimkim to. bakit kasi kailangan mo laging makalimutan ang tanging araw natin sa loob ng isang buwan? hindi na kasi nakakatuwa. di ko na kayang palampasin na lang lahat. i’ve never had an exclusive moment with you again since “i don’t know when”. tama ka. ANG TAGAL na nga siguro talaga natin. and some things just fade beyond our mortal creature control. sorry for this. but THIS is how you’re making me feel. sorry.
‘wag kang mag-alala, mahal kita. [hindi ko sasabihing 'mahal pa rin' kasi negatibo pakinggan. hindi rin 'mas mahal kita' kasi mahirap timbangin at sukatin ang isang bagay na hindi nahahawakan.] alagaan mo ang pagmamahal na ‘to. baka kasi bukas, paggising natin sawa na ‘ko. o mas masakit, ma-realize mo na lang na hindi mo na pala ‘ko mahal. mas mahalaga TAYO kumpara sa ibang mga bagay. don’t let yourself be mislead by your own dreams and fancies. okay? dito lang ako, jegz. higit sa pangako. mwah!
) <—- double smiley na yan ah.
mula ika-20 ng hulyo, 2008… mayroon na ‘kong apat na mga singsing na nagmula sa ‘yo. ‘yong una, ibinigay mo sa ‘kin habang nakasakay tayo sa jeep. kami lang kamo ni tatay meron nun sa buong mundo . pinatunaw mo lahat ng silver mo no’n at pinagawa mong dalawang singsing, tig-isa kayo ni tatay. ikalawa ung may music notes. napilitan lang tayo dun dahil nakakahiya kay cathy. nagpasukat kasi tau alinsunod sa bilin ni nanay, akala nya ibibili mo ‘ko. ikatlo ung bigay na couple ring na bigay sa tin ni nanay. pahagis mong ibinigay sakin ung kahon nun, at abot-langit ang inis ko sau. di man lang kasi iniabot nang maayos. ikaapat ung graduation gift. nasa labas tau ng gerry’s grill nun. sinabi mo ring nag-iisa un sa buong mundo dahil ikaw mismo ang nagdisenyo nun, kahit di nman nakuha nung gumawa ung gusto mong design. pero kung hihilingin ng tadhana sa kin na pumili lamang ng isa na isusuot ko’t ipakikita sa iba, malamang na piliin ko ung una. no’ng mga panahon kasi na un tayo pinakamasaya. bukod sa un din ang may pinakadisente’t pinakanakakakilig na paraan kung paano mo sakin ibinigay. more rings to come! more years to count! literal na mahal na mahal kita!
nakahiga nq, repa. i have a confession to make. alam mo ba kung bakit dati ayaw kong mag-Dubai? kasi aukong mahiwalay sau. pero… alam mo ba kung sinong nagpabago ng desisyon ko? ikaw pa rin. kasi mawawalan ako ng individual growth kung lagi lang taung magkasama. lalo pa’t abala ka na sa pagtugtog ngaun. ska nitong nakaraang mas abala ka na kesa sakin, naisip ko na dapat nga pala talaga akong mag-abroad. para sa sarili ko. para sa sarili natin. pag nakakalap nq ng work experience, we’ll have lesser frictions like this. kasi magiging busy na tau pareho. with the first person knowing that the other understands, there will be no need for feeling sorry. kaya ngaun sinasabi ko sau, i understand. don’t feel sorry all the time. wag na ring magpramis ng SPECIAL MOMENT kung wala rin naman. di na rin ako masyadong magiging assumera’t aasa nang aasa sau. baka kasi sunod nito wala nang LOVE, puro SORRY na lang.
isa ‘to sa mga natutuhan ko mula sa ‘yo: sa mga bagay na iisa ngunit pandalawahan, hindi lang ‘yong alam mong nagkakamali ka ang mahalaga. mas importante pa rin na gumagawa ka ng mga hakbang para hindi na maulit ang mga pagkakamali mo. wag ka ngang sorry nang sorry. saka na lang pagka hindi mo na ‘ulit’ uulitin. para pag nag-sorry ka, makakaasa na talaga akong kahit isang araw lang, mas mahalaga ako sa gitara mo. ayos ba? klaro? o sige, apir na tayo! para cool. magpasalamat ka sa Diyos at mahal kita kundi naku… noon pa iniwan na kita! good luck!
nga pala, you know i have nothing against you being a smoker. bago pa man ako dumaing sa buhay mo, nagyoyosi ka na. ang skin lang, hindi mo naman kailangang ipagmalaki sakin na you already quit kung hindi naman pala. kala mo naman hindi ko alam. it’s written in your breath jegz. i can fucking inhale it. alagaan at alalayan mo ang sarili mo. lagi-lagi. wala ako lagi sa tabi mo para alagaan ka tuwing magkakasakit ka. ok? random thoughts ko lang to. sige na. gudnyt. i’ll see you some other time. mga next month? dehjokelang. hehe. i miss us! i love you still. tulog nq.
maalala ko, dati tuwing aBente ako gumagawa ng mga ganung mensahe. ngaun, hindi na noh? huminto ako mula nung hindi ka na bumabati ng “happy nth month” kung alas dose. feeling ko nun d kn excited. hanggang recently lagi mo na ngang nalilimutan. dpat nga ipo-propose ko na na tuwing anibersaryo n lng tau magbatian para mas bongga at mas macelebrate natin. kaso db, hndi rin naman natin kontrolado ang panahon. kaya d q na sinabi sau ung proposal. hehe. panahon nga naman. lahat napagbabago. parang dati ikaw lang bisita ko pag bertdey ko kasi ayaw kang samahan ni kiven. hinintay mo pa mag-12 nun para kamo una kang bumati. (pero naunahan ka ni cenando nun at julian.) tapos nung debut ko, tumugtog kau. nalasing ako’t tinulugan ko kau. haha. tapos nung 19th birthday ko tumugtog ka sa bertdey ng iba. nitong 20th ko nanjan ako nung gabi na, stayed overnight, pero may tugtog k rin yata kinabukasan. basta ganun. ang pag-ibig nga siguro sa totoong buhay ay hindi fairytale. hindi ito gaya ng alak na habang tumatagal lalong sumasarap. hindi gaya ng adobo na habang tumatagal lalong nanunuot ang lasa. para pala tong ayskrim na natutunaw pag matagal nang nabilad sa araw. maong na kupas.
