La Lunatica

Mga Blah-blah ni Aning-Aning

Random Thoughts is Such a Cliche

on August 21, 2011

Okay, mayro’n akong drafts ng blog post sa bulsa ng pantalon ko ngayon. Pero hindi ko magawang itipa. Bakit? Kasi feeling ko bawal at masyadong confidential ang content. Kasi feeling ko maraming masasaktan kapag ipinost ko ‘yon dito.

Mayro’n din akong mga taong gustong makita. Pero ni hindi naman ako makaalis ng bahay. Kasi feeling ko bawal at sasabihan na naman akong self-centered at kulang sa time management. Kasi feeling ko ayaw nilang nakikipagkita ako sa taong ‘yon.

Mayro’n akong mga bagay na gustong gawin, kasing carefree no’ng ginagawa ko noong college. Pero hindi ko rin magawa. Kasi sabi nila bawal at ako lang naman daw ang iniisip nila. Kasi sabi nila matanda na ako para gawin ang mga bagay na gusto ko ngunit masyado pa raw akong bata para ikatwiran ko sa kanilang alam ko na kung anong ginagawa ko.

Eh sino nga bang nagsabi sa akin na we should all live our lives to its fullest?! We’ll never know kung gigising pa nga ba ako bukas! (Pero sana naman, ‘di ba?) What I’m trying to say here is this: Can’t you just let me LIVE?

Ang dami-dami kong naiisip gusto ko na lang umiyak! Mayro’n tuloy akong luha sa magkabilang pisngi ko ngayon. Dammit!

***

Sabi nga no’ng isang kaibigan ko, “Ano ba ‘yan, Ja! Kung kailan ka nagkatrabaho saka dumami restrictions mo!” Well.. what can I say? Hindi ko naman pwedeng i-deny. Lalo lang magpupuyos ang kalooban ko sa katotohanang ang dami-daming kumokontrol sa mga locomotion ko and I HATE IT! I fucking hate it!

***

Saan nga ba nagsimula ang lahat nang ‘to?

Isipin ko…

Sa pagkuha ng trabaho!

Feeling ko pre-destined na akong mangibang-bansa. Bakit? Dahil nasa lahi na namin ‘yon. Pero hindi naman kami yumayaman. Nakatatawa ‘no? Panay nasa abroad ang mga kamag-anakan namin tapos walang-habas pa rin naming sinasabi na HINDI KAMI MAYAYAMAN! Pero ‘yon naman talaga ang totoo.

Pero hindi ako sumunod sa yapak nila. Kahit panay-panay na ang pagyayakag sa ‘kin ni Mama… wumaepek pa rin. Kasi natatakot ako. At putarages, mismong mga X and Y chromosomes na bumuo sa pagkatao ko ang walang pananalig sa pahayag kong NATATAKOT AKO. I was a fresh graduate! Wala akong matatag na experience sa pagkakaroon ng Boss. Ang pinakamalapit na karanasan ko na sa gano’n eh no’ng OJT ko lang. Alam naman nating lahat na isang malaking lokohan lang ang OJT. Isa lang ‘yong simpleng-simpleng requirement bago ka maka-graduate.

Sus na ‘yan! Eh ang panahon ngayon hindi na sasapat ang Bachelor’s Degree! Kailangan mo nang magkaroon ng Masteral (-s, mga tatlo siguro) at Doctoral (-s, dalawa)! Akala ko nakaraos na ako sa panahong kailangan kong tapatan ng pera ang edukasyon. Napakailap ng pag-unlad sa mga taong maprinsipyo.

Ewan ko, taena, ang incoherent na ng block na ‘to. Okay next one!

***

Sabi sa akin ng Lola ko wala pa raw akong alam sa pagmamahal. Wow, men! Who does? Hindi ba nga’t sa iisang bagay na ‘yan lang nagkasundu-sundo ang mga magkakatunggaling writers? Love is. Nobody can goddam explain how exactly it feels or how it makes you feel.

Pero here’s a thought. I think… somehow… I do. Mahal ko talaga siya. At hindi niyo na pwedeng alisin sa ‘kin ‘yon.

Ang totoo… super manang ako. Lalo na pagdating sa pag-ibig. Matagal akong ligawan. Sa bahay ako dapat sinusuyo. Mga tipong gano’n. May gumagawa pa ba ng mga bagay na ‘yan sa panahon ngayon. At… heto ang pinakamalupit na tanong… napansin ba ng pamilya ko na ‘yon ang panuntunan ko? Napansin ba nilang matagal akong niligawan ni Repa? Napansin ba nilang ipinakilala ko siya sa kanila habang kinikilala ko rin siya? Napansin ba nila na sa bahay ko mismo ibinigay kay Repa ang matamis kong oo?

Parang hindi. Dahil ang napapansin lang nila ngayon ay ang mga sumusunod:

  1. Hindi na pumupunta si Repa dito sa bahay.
  2. Hindi nakatapos ng pag-aaral si Repa.
  3. Walang matinong trabaho si Repa.
  4. Mukhang hindi gagawa ng matino si Repa.

Ewan ko kung defensive lang ako masyado ah? Pero heto ang counterattacks ko sa mga ‘yan:

  1. Hindi na siya nadadalaw dahil ayaw niyang mapahiya kasi nga ‘yong numbers (2) and (3) ay totoo. Ang gusto niya sana hindi na siya ulit maliitin ng mga kaanak kong lalaki tuwing pupunta siya’t may bitbit na prutas gayong wala pa naman siyang matinong trabaho at hindi nila sigurado kung plantsado ba ang brief at sapatos na suot niya.
  2. Wala na kasi siyang choice. Kailangan na ring mag-aral ng kapatid niya. At siya ang magpapabaon do’n. Dahil naaawa na siya sa Nanay niyang nagtatrabaho sa Hong Kong bilang Domestic Helper. Dahil, oo, nasa legal age na siya at isang malaking sampal sa mukha niyang hindi niya magawang tulungan ang pamilya niya.
  3. Kahit ako gusto ko siyang tuktukan madalas kapag isinasagot niya sa ‘king musika lang kasi ang gusto niyang trabaho. Dahil kapag sa pabrika eh nawawalan siya ng buhay dahil sa sobrang pagod; wala na siyang oras para gumawa pa ng ibang mga bagay. Musika lang ang gusto niya dahil do’n siya masaya. Kesehodang magkaka’no lang ang naiuuwi niya tuwing matatapos ang isang gig. (Minsan nang nag-work ‘yang philosophy na ‘yan. Example: Chito Miranda and the rest of Parokya ni Edgar.)
  4. Tarages kasi ayaw na ngang magpagupit ng buhok kinulayan pa. Mukha tuloy magbobote. Pero sabi niya Steve Tyler daw ‘yon. Fuck that rock ‘n’ roll paraphernalia! Ang sa ‘kin lang ah… pwede namang magrakenrol nang mukhang malinis kasi. Although, true, mabango naman siya… kaso kasi dre, ang haba talaga ng buhok niya eh! Ang nakakainis mas maganda pa buhok niya kaysa sa ‘kin! Dammit!

So… ayon na nga… feeling ko kailangan pa naming maghintay nang matagal bago namin sabay na matupad lahat ng mga pangarap namin para sa isa’t isa. A music library. A library (of books, of course, saka ng mga write-ups ko na rin). A photo museum ng mga pinagpipitik kong lente some time ago (ayoko ng dark room; it gives me creeps!). An art library (ng handworks niya, paintings, etc.). And a simple house. Kahit kama lang saka kainan saka pala TV at DVD oks na kami. Basta lang masunod namin mga luho namin. Maitayo lang namin ‘yang mga ‘yan solb-solb na! Kahit hindi open for public. Self satisfaction lang talaga. (Pero oo nga noh? Pwedeng i-open sa public tapos maglalagay kami ng donation boxes sa mga pinto. Please po… pambili lang ng Blu Ray Disk ng bagong pelikula ni Johnny Depp.)

Pero sa huli… ang masasabi ko… ‘yong siya lang ang makasama ko habang buhay okey na ‘ko ro’n eh.

***

Gusto kong manood ng Bridget Jones Diary Parts 1 and 2 na siya ang kasama. Habang kumakain ng Marty’s Baconette at 1.5 Liters na C2 Apple. Ngayon. Hindi dahil a-bente kundi dahil gusto ko lang siyang makasama.

Juice ko! Dalawang linggo akong magtatrabaho. Limang oras ang pagitan naming dalawa sa loob ng panahong ‘yon. Tapos isang buong araw o gabi lang ayaw pa rin nila akong payagan dahil… ako lang daw ang iniisip nila.

Thanks for killing me! This is the most bitter death I’ll ever know. Worse than any Final Destination death being concurred.

***

Sinasabing ang mga tao raw talaga ay hindi nakukuntento. Totoo. Ewan ko nga lang kung bakit.

Siguro kasi kapag ang dami mong hawak na pera saka mo naiisip na ang dami mo palang kailangang bayaran at bilhin para sa sarili mo at para na rin sa pamilya mo. Tapos saka mo na lang din maiisip na kulang pala palagi ang pera kahit gaano man ito kalaki.

Oh, ‘di ba tama ako?! Wala talagang halaga ang pera sa buhay ng tao eh. Mga kapitalista lang nag-imbento kasi ng sirkulasyon niyan to serve their greed. Na hindi kayang i-moderate kahit ni Satanas.

***

Masaya nga ba ako sa trabaho?

Honestly, oo. Biruin mo! Nagagawa kong mag-copyedit nang wantusawa! ‘Yon ang gustong-gusto kong ginagawa eh. Walang halong sarkasmo, ah?! Ang geek ko, noh? Wala eh. Sabi ko nga, “Some are born writers. But some are born editors.”

Saka okay na rin ‘to dahil napagtyatyagaan naman ng Boss ko ang minimal kong skills sa Photoshop at InDesign. Job well done nga raw ako palagi eh. (Flattered ako kahit nananaba lalo.)

Pero honestly rin, ang laki ng paghanga ko sa mga kaklase kong hanggang ngayon ay in-search pa rin sa trabaho. Dahil ayaw nilang tantanan ang local TV and radio networks. Naiinggit ako sa kanila kasi hanggang ngayon nagagawa pa rin nilang panindigan ‘yong paniniwalang sinumpaan ko (naming lahat) oras na tumuntong kami sa MassComm class rooms.

Kaya gano’n na lang din ang yamot ko sa mga kaklase ko rin na panay naman ang rant sa hirap na dinaranas nila sa trabaho nila sa loob. Sa puyat at pagod na para namang hindi namin naranasan kapag gumagawa kami ng mini indie productions noong mga estudyante pa lang kami at masyado pang mga idealista.

Sobrang miss na miss ko nang harapin ang timelines ng Premiere Pro. :’-(

***

Kung nag-abroad na lang siguro ako, ang laki na ng kinikita ko ngayon. Nasisimulan ko na rin tuparin ‘yong parts ng pangarap ko para sa pamilya ko, para sa amin ni Repa at para na rin sa sarili ko mismo. Siguro mga isang taon lang. Papatatag lang ng resume kung baga bago ako sumabak either sa Industry o sa Abroad.

It’s a matter of living up my dreams personally or living up my dreams financially.

It’s a matter of making a choice. But I’m pretty sure (just now, actually whilst typing these very words) that I won’t stay five long hours away from my roots every single day for the rest of my career life. Hindi naman kasi ako ‘academic’ na tao; artistic ako. I’m so not into name prefixes and suffixes. I am what my output is. And I won’t have to brag about how good my name was every single time I will have to sign papers. Actually, I don’t like to live JUST signing papers ang getting paid for it. I want to be in the field. Field works, I believe, make you younger and wiser.

I think I just have to save up money (lots of it) first. Then I’ll start putting up my own business; therefore keeping up my promise to my media buff friends na iha-hire ko sila kapag nagkataon. Then I’ll have my own house. With him. And will be able to help my family whenever they need me or even when they don’t ask for my help. Then I’ll be happy.

That’s only when I’ll start breathing the air of pure satisfaction. To realize that you have realized your dreams is as priceless as living your life to its fullest!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.