La Lunatica

Mga Blah-blah ni Aning-Aning

Effort mong Pabawas

on April 12, 2011

So here’s the effing deal. Ilalahad ko rito ang payak kong obserbasyon sa pag-e-exert mo ng effort para sa relasyong ‘to.

  1. Alas sais ng umaga, gigisingin ako ng aming katulong na ubod-kupad para sabihing nasa labas ka ng bahay. Galing ka pa no’n sa trabaho, night-shift, sa ‘min ka dederetso (unannounced). Sa Jollibee Malolos Crossing ka nagtatrabaho. Nakatira ako sa Duhat, Bocaue, Bulacan. [In short, tatlong bayan ang pagitan. Isang oras na byahe. Short ka pa sa pamasahe kaya nilalakad mo na lang 'yong tatlong baranggay na pagitan mula sa babaan ng jeep patungo sa bahay namin.] Kakamadali mo, dumaplis pa kamo ‘yong hawak mong barena sa kamay mo. Nagtamo ka ng kapirasong sugat. Kako gamutin muna natin. Pero bigla kang tatakbo. Nagpunta ka lang naman talaga kamo para makita ako bago ka matulog sa bahay ninyo. At mabilis na hahalo ang katawan mo sa fog.
  2. Para lang masiguro mong maayos akong makakauwi sa bahay namin, ihahatid mo pa ako gamit ang bike ninyo. Nakaangkas ako sa likod a la Koreana. Naaalala ko pa ‘yong mga reklamo mo dahil mabigat ako. Naaalala ko pa rin ‘yong mga hingal mo kapag pataas ‘yong daan. Syempre naman ma-o-offend ako. At isa lang ang maiisip mong solusyon: halik sa pisngi! ♥.♥ Tapos, kapag nasa bandang Duhat Elementary School na, ibababa mo na ako at maglalakad na lang tayong dalawa. Kasi kamo pagod ka na.
  3. Mula sa unibersidad man o mula sa haybol ninyo, ihahatid mo ako hanggang sa sakayan ng traysikel. Do’n na lang. Magkukwentuhan tayo hangga’t naghihintay pa ng kasabay. Pag-andar ng traysikel, saka ka aalis mula sa terminal.
  4. Mula sa haybol ninyo, kapag oras na para umuwi ako, ihahatid mo ako. Lalakarin natin mula sa inyo hanggang sa Kanto ng Joner’s kung saan naroon ang terminal ng tricycles papunta sa bahay namin. Habang naglalakad, ilalahad mo sa ‘kin ang mga wirdo mong plano para sa BUKAS natin. Kung anong gusto mong materyales, disenyo, ilang kwarto, kung anu-ano. Sabi ko nga, kahit mawalan yata ng gravity sa mundo lalakarin pa rin nating dalawa ang daan papuntang Joner’s. Kapag hindi mo ako inihatid, senyales na ‘yon na galit ka sa akin. At sasakay na lang ako ng jeep na may nangingilid na luha. Pero may isang eksenang hinding-hindi ko malilimutan. Ihahatid mo na sana ako nang biglang dumating ang paborito mong kabanda na si Aye, medyo umaambon noon at inaya mo siyang sumama sa ‘yo sa paghatid sa ‘kin. Ngunit sabi niya, “Umaambon, p’re! ‘Wag na lang.” Kaya ibinaling mo ang iyong tingin sa ‘kin sabay sabing, “Sumakay ka na lang [ng jeep].” So sabi ko, OKAY! Pero at the back of my mind minumura ko na kayong dalawa. Rock you both!
  5. Nasanay ka na yata na sumasakay na lang ako ng jeep pauwi. Kaya naman ngayon, hindi na natin nilalakad ang kalye. Hindi na tayo nakikipagsayaw sa city lights. Itinatawid mo na lang ako… sasamahan sa paghihintay sa sugapang jeepney driver na humihinto sa lahat ng kanto at nakatirik na mga tao sa kalsada. Sa pagsakay ko, siya namang pagtawid mo pabalik sa haybol ninyo. Tapos!
  6. Ito ang pinakamasaklap as of press time. Ngayon, ni hindi na siya tumatawid ng kalsada para samahan akong mag-abang ng hihintong jeepney. Tatanawin niya lang ako mula sa pintuan ng haybol nila. Para ba siyang bampirang takot masikatan ng araw. Nakakabwisit lang. Kaya kahit masikip at puno na ‘yong jeepney na unang huminto, wala akong pakialam. Basta ang mahalaga makauwi na ‘ko sa ‘min.
  7. Siguro nga kako sa susunod kapag sinabi ko sa kanyang kailangan ko nang umuwi, tatanguan na lang niya ako. Hindi na siya tatayo man lang sa kinauupuan niya. Hindi na siya lalabas sa bahay nila. Hindi na siya tatawid sa kabilang kalsada. Hindi na niya lalakarin hanggang Joner’s. Hindi na siya tatayo sa tricycle terminal. Hindi na siya magpepedal ng bike. Hindi na siya lilitaw sa doorstep namin, unannounced. Tatango lang siya… literal. At mag-isa akong uuwi. Ginusto ko ‘yon eh, pangatawanan ko!

Naisip ko… natural lang siguro talaga sa mga lalaki na magbawas ng effort kapag naging kasintahan na nila ‘yong babaeng nililigawan lamang nila dati. Lalo na kapag tipong gaya ko na walang alam sa paghawak ng relasyon noon. Inaamin ko naman na madalas ko siyang masaktan dati. Halimbawa na lang, madalas akong makalimot sa oras ng tipanan. In short eh, madalas ko siyang pinaghihintay. Hindi ko naman alam na nakakasakit ‘yon. Kaya nga no’ng na-digest na ng utak ko lahat ng itinuro niya, bilang titser ko sa kung paano nga ba humawak ng isang relasyong gaya nito, eh naging maayos na kami. Ngunit hindi nagtagal, siya naman ang nagbago. Sabi ko nga sa kanya sa isa sa aming mga engkwentro, nasa application stage na ako ng lahat ng itinuro niya. Practicum, kumbaga. Nang bigla naman, at wala man lamang pasabing binago niya ang aming curriculum. Panibagong adjustment stage na naman.

Sabi naman niya hindi ko na kailangang mag-adjust dahil nagagawa ko na ‘yong part ko para sa AMIN. Siya naman daw ngayon. Siya na lang. Pero naisip ko, ngayon-ngayon lang, na ang adjustment pala ay hindi one-way. Dahil nag-a-adjust ka rin sa kapareha mo habang nag-a-adjust siya. Simply put, habang pinipilit niyang ituwid ang baluktot, pasensyoso kang naghihintay kung kailan matatapos ang LAHAT ng ito. (Am I making sense?)

Dati kasi sa tuwing nagkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaan eh pakiramdam ko lagi ako ‘yong mali. Lagi niyang ipinamumukha sa aking ako ang mali. Ako naman si sorry. Ngayon naman, siya na ang sablay. Ewan ko ba kung bakit hindi ko pa rin makuhang magalit sa kanya na gaya ng nagagawa niya sa ‘kin noon. Katangahan bang matatawag ito o sobrang kabaitan lang? Oh well, either of the two, gusto ko pa ring ipagdiwang ang isang pagkakataon na ‘to sa buhay ko. Finally, I’ve made my point! ‘Yang talaan na ‘yan na nabasa niyo sa itaas ay nasabi ko sa kanya nang harapan. In full details! At ang nasabi na lang niya, na nagpapalakpak sa aking mga tainga: “Talo ‘ko do’n ah! Wala akong pambala.”

Yeahey! :D

Ang kaso mo, mula nang mag-usap kami tungkol sa effort niyang pabawas, barely 2 weeks ago… wala pa rin akong maramdamang pagbabago. Ewan ko. Siguro nga hindi gano’n kabilis na darating ‘yon. So… maghihintay na lang ako? Hayaan mo na. Sabi nga ng kaibigan ko sa ‘kin dati, “Kung ayaw mong bitiwan, patawarin mo na lang.”

***

Sabi niya… kapag daw naririnig niya ‘tong kantang ‘to, parang naaalala niya ‘yong mga naunang araw namin. Sa Mini Forest. Para nga raw naaamoy pa niya ‘yong simoy ng hangin. Natatakot daw siyang baka hindi na niya kayang ibalik ‘yong gano’n kasarap na pakiramdam. Inaamin ko, nasaktan ako. Para na rin niyang sinabi na nabawasan na ‘yong pagmamahal niya sa ‘kin. Na hindi na siya masaya. Na sa pagitan naming dalawa, nagbago na ang lahat at hindi na maibabalik ‘yon sa dati ng kahit anong magandang kanta.

Related pa rin ito sa topic. Ikukwento ko na rin. Nagpapatugtog kasi ako sa cellphone. Narinig niya. Ta’s nando’n na rin lang ikinuwento ko na ‘yong istorya ng kanta. Sa matinong kantang ito ni Lady Gaga, mayroon ika siyang minamahal. Ipinagtatanggol niya ito sa kanyang mga kaibigan kapag sinasabi nilang, “Wag ka na d’yan! Sablay ‘yan!” Ngunit, dumating ang isang pagkakataon sa pagitan nilang dalawa ng karelasyon niya kung kailan unti-unti nang sumasablay si Guy. Siya namang may nakilalang panibago si Gaga. Kaya, in short, natapos na sila! Boom! Mangiyak-ngiyak si Repa nang ulitin niya ‘yong pamagat no’ng kanta. “Nothing Else I Can Say,” ika. Pakiramdam ko, nanalo ako!

Pero joke lang ‘yon. Dahil ang totoo, ako pa rin naman ang talo.


5 Responses to “Effort mong Pabawas”

  1. Emily Pass says:

    I apologise, but, in my opinion, you are not right. I am assured. Let’s discuss it. Write to me in PM, we will communicate. :-P

  2. shinjei says:

    May fog pala sa Bocaue. ahahha!
    No comment, bata a ko. *lalalala :3

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.