La Lunatica

Mga Blah-blah ni Aning-Aning

If your man confessed that another girl kissed him

on March 13, 2011

If your man confessed that another girl kissed him, don’t get mad. Imagine it could be worse if he’ll keep that a secret.

Mamaya na kwento tungkol diyan, ere muna:

Bad trip ako kay Repa kasi wala na siyang oras sa ‘kin. ‘Yon naman eh sa palagay ko lang. Observation na walang halong bias (kahit sa sarili kong emosyon mismo).

Niliteral ko ang cold shoulders unintentionally. Ang dami ko nga kasing academic failures ngayong academic year, ‘di ba? Nakwento ko naman na ‘yon sa iba kong entries. Wala akong maiuuwing academic award sa graduation. Hindi ako ang napiling Outstanding University journalist of the Year sa kabila ng pagiging Editor-in-Chief ko. Hindi nakapasok sa screening ang entry ko sa Video Festival ng College namin. Re-defense pa ako sa thesis. Pero parang sa mga panahong ‘yon hirap akong makipagkonek sa kanya. Sinusubukan kong magkwento pero parang pre-occupied siya ng mga ibang bagay. Palagi niyang hawak ang kanyang mga gitara. Take that, MGA GITARA. May acoustic, may electric. Sige ang zifra. Ako naman, OPng-OP na. Hindi ko naman siya makuhang awayin kasi… ewan ko nga ba. Hindi ko siya kayang awayin talaga. Ako rin kasi ‘yong nahihirapan. Pataasan pa man din kami ng pride. (Teka, ‘di ba kapag nagtimpi ka ng galit out of love para mo na ring nilulon ang pride mo? Oh well! Gano’n na nga siguro.)

Mabalik tayo sa kuwento, ayon nga matapos ang matagumpay naming muling pagsalang para depensahan ang aming thesis, sige ang text niya. Wala naman kasi akong load kaya hindi ko siya masagot. Sinubukan ko siyang sendan ng mensahe gamit ang luma kong chikka account, pero hindi niya yata natanggap ‘yong mensahe kasi may halo nang panunumbat at umiigting na pagka-miss ‘yong mga sumunod niyang mensahe. Nakitext ako sa natutulog kong Papa, ngunit hindi nag-send. Wala na nga akong nagawa kundi magpa-load kinabukasan.

Sabi ko natural, sorry. Gano’n, ganyan. ‘Di naman kami nag-away kasi ngayon (kumpara dati) mas inuunawa na namin ang isa’t isa. May tugtog pala siya nang gabing ‘yon sa Valenzuela. Nag-aya siyang manuod kami ng Once Upon a Time in Mexico bukas (Sabado). Fan kasi kami ni Johnny Depp. Pero kako, nai-schedule ko na ang editing namin ng thesis sa araw na ‘yon. Kako kailan ba siya sunod na pwede? Update na lang daw niya ako kasi may tugtog pa ulit siya sa Lunes sa Monumento naman. So kako sige, deal na sa Sabado, kakanselahin ko na lang editing namin at i-reschedule na lang ‘yon sa Linggo. CALL na. Alis na raw siya’t may tugtog pa. Kako sige gigisingin ko na lang siya bukas kung sakaling tulog pa siya.

Si Repa ‘yong tipo ng tao na walang sariling cellphone at walang Facebook, Twitter o Friendster account man lamang. Meaning, lagi akong walang ideya sa blow-by-blow happenings sa gigs niya o sa praktis nila ng banda. Lagi lang naming pinanghahawakan ang flash updates ng isa’t isa bago matulog gabi-gabi. Nakikiteks lang siya sa cellphone ng tatay niya. Smart sila, Globe naman ako. Kaya hindi na rin ako nahilig sa pag-a-unli nang hindi kailangan kasi wala naman akong iteteks na iba.

Kinabukasan, nagising ako ng 9 AM. Naghanda na ako kaagad. Kaso mo, dumating sa bahay ang lola ko at nagpapaturo na naman ng kung anik-anik sa internet. You know like Lola Techie. Na-delay ako. After lunch na ako nakaalis. Papasakay na ako ng tricycle nang biglang may tumawag, sinagot ko, si Repa pala. Tinatanong na niya kung natuloy ba ‘yong thesis ko kaya wala pa ako sa bahay nila. Kako hindi, papunta na ‘ko.

Pagdating ko ro’n sa kanila naliligo siya. As usual, nakipagkwentuhan ako sa kanyang utol. Masaya naman. Kaso deep inside alam kong may inis pa rin akong itinatago sa kanya. Pilit ko na lang itinatago para kako wala nang problema. Para cool na.

Paglabas niya sa paliguan, ayon, bili siya kaagad ng meryenda. Salang ng pelikula. Tapos inantok. Naghiga-higa, kwento-kwento, tumayo rin kaagad at nagluto siya ng noodles. Maisipan kasi niyan, maisipan. Lalo sa pagkain! Mahilig siyang magluto at mag-eksperimento sa pagluluto. Isa na rin siguro sa mga maituturing kong rason kung bakit ko siya maipagmamalaki sa lahat ng tao.

Dumating na ang hapunan. At natapos. Nanunood kami ng TV nang bigla niyang maisipang magluto no’ng ipinalatastas na scrambled egg with mayonnaise. Kaso, kasabay ng pagbili sana niya ng ingredients eh siya namang katok sa bahay nila ng isa sa mga kabanda niyang lagi kong kinaiinisan. Siguro kasi ‘yong si Aye ang pinakamalapit sa puso niya pagkatapos ng gitara. Gano’n kaliteral. Ayon, makikiluto sana ako kaso paglabas ko, nakita kong nakabili na si Aye ng Red Horse. Isip-isip ko lang, wala na naman. Wall flower mode ulit ako nito for sure. Dali-dali akong pumasok sa loob.Pagkatapos niyang magluto, ipinasok niya sa loob ‘yong scrambled egg at mga tinapay.

Repa: Kain na kayo!

Ako: —

Repa: Saglit lang ako, ah?

Ako: WHATEVER!

Repa: Kain na kayo. (Tunog-galit na)

Ako: —

Repa: (Lumabas ulit at isinara ang pinto)

Ako: Sige na Giezel, kain na.

Giezel: Hihintayin pa ba natin si Kuya?

Ako: Ewan ko!

Ipinagpatuloy namin ni Giezel ang panunood ng TV. Pero hindi na ako makapag-focus. Si Giezel na alam ko namang alam niya na naiinis na talaga ‘ko eh sige lang ng pang-aaliw sa ‘kin. Nililibang niya ako ng jokes. Umepek naman. Tapos, maya-maya pa, sumilip si Repa sa pinto.

Repa: Oh, bakit ‘di pa kayo kumakain?

Ako: —

Repa: Kainin niyo na, lalamig pa kasi, ‘di na masarap. (Kinakalabit ako gamit ang malamig niyang kanang kamay)

Ako: —

Repa: (Umalis)

Giezel: Ja, kain na, Ja.

Ako: Sige lang.

Giezel: Titirahan pa ba natin si Kuya?

Ako: Ewan.

Giezel: Tinatanong pa ba ‘yon? Malamang, oo!

Natapos na kaming kumain. Natapos na rin ang Comedy Bar pero wala pa rin siya. Nakatulog na ‘ko nang ‘di ko namamalayan. Basta nagising na lang ako bigla na patay na ang TV at niyakap na niya ‘ko. Todo-react naman ako at binato siya ng unan. Sabay talikod at aktong matutulog ulit. Nakarinig ako ng buntong-hininga.

Repa: Tara nga rito.

Ako: Ayoko.

Repa: Halika, mag-uusap tayo.

Ako: (Obey)

Nagpunta kami sa kusina, kinuha niya ‘yong itinirang midnight snack para sa kanya. Nag-CR ako habang nagtitimpla siya ng milo. Paglabas ko sabi niya do’n na lang daw muna ako sa may likod, do’n kami pupwesto. Sunod naman ako.

At nag-usap nga kami. Masinsinan. Totoo na talaga ‘to. Mas mature. It has been almost three years and I won’t let this shit slip away.

Isang mabilis na pasada na lang. Sinabi niyang hindi niya kasi maiwanan si Aye dahil may problema sa pag-ibig. Hindi ko na pwedeng ikwento pa ‘yon dito. Alam ko naman kako ‘yon. Ang akin lang… sabay singit niya nang, alam din naman daw niyang nangako siyang AMIN ang araw na ‘to. No’n nga kasing ‘di ko siya tineks no’ng makaraan ng defense eh inakala niyang sinasadya ko ang hindi pagpaparamdam dahil sa kawalan niya ng panahon para sa amin. Tapos ayon, nagkwento na siya ng mga usual na kwentong gaya ng praktis nila at mga tugtugan sa kung saan-saang bar… na medyo matagal-tagal na rin niyang hindi nagagawa dahil nga abala na siya ngayon.

Inalok niya ako ng milo. Kako ayoko. Sabi niya sige na raw, peace offering na raw niya sa ‘kin ‘yon— na ipinagtimpla niya ako ng milo. Magtitimpla na lang daw siya ulit ng para sa kanya. Kako, ‘wag na, share na lang kami. Ngumiti siya nang malaki at sinabing, “Sige.”

Tapos bumanat ako, maglaro kako kami ng assessment sa isa’t isa gamit ang starting phrase na “Hindi ka na katulad dati kasi…” At natawa siya. Game daw.

Sabi niya hindi na raw ako katulad dati kasi ngayon ako na raw ‘yong mas may oras para sa aming dalawa, samantalang dati raw kasi, it’s the other way around. Sabi ko naman, ‘yon nga, pakiramdam ko wala na siyang oras sa ‘kin ngayon. Pakiramdam ko rin hindi na niya ako kayang hintayin. Sinabi ko ring hindi na rin siya nagkukwento sa akin ng mga nangyayari sa mga lakad niya. At, hindi na niya ako isinasama sa gigs niya ‘di katulad dati. He even rejected my offer na sumama na lang ako sa band rehearsal sa studio nila.

At narito ang mga eksplenasyon.

Pinagsalo ko na kasi halos isa rin naman ang tinutumbok naming dalawa. Dati raw kasi, siya lagi ‘yong naghihintay sa aming dalawa dahil ako raw lagi ang mas abala. Campus journalist ako at siya nama’y simpleng mag-aaral lamang. Ngayon daw, ako na ‘yong nagkaroon ng mas maraming bakanteng oras na pwede kong ialay para sa ‘ming dalawa. Inaamin naman daw niya noon na siya ‘yong mas madalas na nagtatampo, pero ngayon daw nauunawaan na niya lahat ng sinabi ko sa kanya noon tungkol sa pagiging abala ko. Na oo, hindi naman daw porket wala na siya masyadong panahon para sa ‘min eh nakakalimutan na niya ‘ko. May mga bagay lang talagang kailangan naming gawin hindi lang dahil sa gusto namin ‘yon kundi dahil gusto naming maging proud kami para sa isa’t isa. Ngayon lang daw talaga niya mas nauunawaan ‘yong sitwasyon naming dalawa noon kasi nga, nabaligtad na.

Aniya, noong ako ‘yong nagpapakahirap akyatin ang summit, naglalakad pa lang siya sa kapatagan. No’ng mga panahong ‘yon eh ako ang mas abala at mas hirap sa mga gawain samantalang siya naman ang madalas magtampo. Ngayon, ika, nasa tuktok na ako— habang siya nama’y papaakyat pa lang para sundan ako sa itaas. Kaya siya naman ‘yong mas abala ngayon at ako naman ang mas madalas magtampo.

Hindi na niya ako kako kayang hintayin. Sabi niya, kanina pa nga raw madaling araw niya ako hinihintay na dumating. Alas kwatro ng umaga na siya dumating galing sa gig. Nagising daw siya ng alas diyes. No’n daw hindi pa ako dumarating inisip daw niyang natuloy na ako sa thesis. Wala raw si Tatay sa bahay kaya raw hindi niya ako maiteks. No’ng mahanap naman daw niya si Tatay sa labas, tiningnan niya baka ika nagteks na ako o ano pero wala. Kaya raw itineks niya ako, pero ‘di nag-send kasi wala rin palang load. At nakakita siya ng mateteksan, sabi ng Tito niya sige raw tawagan na niya. Touched naman ako. Dagdag pa niya, inubos nga raw niya ‘yong kinita niya kagabi para sa ‘kin sa araw na ‘yon eh. Wala na tuloy siyang panggastos sa next gig. Nakunsensya naman ako.

Sabi ko, bakit naman dati isinasama mo ‘ko kahit na diyan ka lang sa tabi-tabi tutugtog. Bakit ngayon, nag-o-offer na nga ako siya pa ‘yong tumatanggi! Sabi niya, ayaw raw kasi muna niya akong isama hangga’t hindi pa big time ‘yong gig niya. Dapat daw makita kong maraming nanunood sa kanya at marami siyang napapasaya. Kapag gano’n na raw ang eksena sa mga tinutugtugan niya isasama naman daw talaga niya ‘ko. Depensa ko naman, small time o big time man na gig, pareho lang sa ‘kin ‘yon. Dahil ang ipinunta ko naman do’n eh siya.

Sabi niya, ako raw ba kapag maglo-launch na ako ng sarili kong libro at wala pang singkwenta katao ang dumating, iimbitahin ko pa raw ba siya? Kako, oo naman! At least kako madaragdagan ng isa ‘yong manunood sa launching ko! Sabi niya, sinasabi ko lang daw ‘yon kasi wala ako sa sitwasyon. Sabi ko naman, ‘di rin! (And I mean it!)

Hiniling niyang hinatyin ko lang daw siya. Wala na raw kasi siyang ibang paraan para makahabol sa ‘kin eh. Gusto niya raw matupad namin ‘yong mga pangarap namin. Pero wala naman daw siya bachelor’s degree para magawa ‘yon; eh ako raw abot-kamay ko na. Ayaw naman daw niyang magtrabaho sa mga pabrika kasi nahihirapan lang siya. At isa pa, mas malaki raw ang kikitain niya sa pagtugtog kung magiging regular na sila. Hintayin ko pa raw siya nang kaunti. At nauunawaan ko.

Sabi ko pa sa kanya, ngayon na lang ulit kami nakapagkwentuhan nang gano’n! Samantalang dati ‘yon lang ang bumubuhay sa aming dalawa. KWENTO— sa teks, sa tawag, sa bahay namin, sa bahay nila, sa prayer meeting, sa university, sa jeep habang bumabyahe, sa band rehearsals, battle of the bands at gigs. Kako na-miss ko ‘yon. Ngiti lang siya.

Nang magkaayos na kami, napagpasyahan na naming matulog. Isa pa, alas tres na ng umaga!

Nang mahiga na kami, tuloy pa rin ang kwentuhan. Sabi ko, napanood ko sa isang pelikula [Hachiko: A Dog's Story], tinanong no’ng tatay ‘yong manliligaw ng anak niya: “Do you love my daughter?” Sagot nama si pogi, “Yes, Sir! I really love her!” Bwelta ni erpat, “Good! You have to remember that during the bad times!”

Ngiti lang si Repa.

Tapos ayon, nasabi ko na rin na dati tinanong niya ako kung gaano ako nagtitiwala sa kanya. Kako taos sa puso kong sinagot dati ‘yong tanong na ‘yon nang, “100 percent!” Pero sabi niya no’n na bawasan ko na ang pagtitiwala ko sa kanya. Na dapat nagde-demand ako na magsabi siya sa akin kung nasaan ba siya o kung sinu-sinong mga kasama niya. Kasi kapag may hawak na siyang gitara, nadedemonyo na siya. Na kayang-kaya niyang makuha lahat ng babaeng matipuhan niya ora mismo (na sobra namang totoo! Alam ng mga nagbabanda ‘yan at ng mga kasintahan ng mga nagbabanda).

Tapos nagbuntong-hininga siya… sabi niya may sasabihin daw siya pero sikreto lang daw namin. Buntong-hininga ulit. No’n daw nakaraang nag-ensayo sila sa studio nila sa Bocaue, may isinamang babae ‘yong Manager nilang Canadian. Maganda raw at seksi ‘yong dalagita. Ligaw daw ‘yon no’ng manager nga nila at isinasama nga sana sa banda. Tapos, sinubukan nilang mag-jam. Kaso mo, pagkaraan daw no’ng session ayaw na raw isama no’ng manager ‘yong babae sa banda nila Repa kahit pa gustong-gusto na sana no’ng bata. (At nakatunog na ako sa susunod niyang sasabihin.) Nag-inuman daw sila, at tumabi sa kanya ‘yong dalagita. Hinalikan raw siya nang dalawang ulit do’n mismo sa kinauupuan nila. At isa pa sa hindi-ko-na-maalala-kung-SAAN-‘yong-sinabi-niya kasi tumalon na sa inis ‘yong puso ko at naramdaman kong nag-init ‘yong paligid ng tenga ko.

Ako: Hmp! (Tunog-iiyak at may mapanuyang mga titig na nagsasabing anong-ginawa-mo?)

Repa: Hindi ako… siya ‘yon eh! Hindi ko siya inano, syempre. Nagalit nga sa ‘kin si Manager eh.

Ako: —

Repa: Ano ka ba? Hindi ko kailangan no’n, noh! Mag-aaway na nga kami ni Manager, pati tayo mag-aaway. Ibinigay nga sa ‘kin ni Manager ‘yong number no’n eh, nasa tissue, nilagay ko lang sa bulsa ko tapos nawala na. Buti na lang!

Ako: (Tumitig nang mas masama)

Repa: Saka kahit naman makita ko ‘yon eh hindi ko pa rin naman ‘yon gagamitin. Sayang lang oras ko. Mas gusto kong kasama sila Giezel at Axl.

Ako: (Nakatitig sa kawalan)

Repa: Saka isipin mo, mahihirapan lang akong itago sa ‘yo ‘yon. Syempre, kapag ako nambabae hindi pwedeng hindi ko ipangakong ipakikilala ko siya sa pamilya ko. Eh pa’no ‘pag sakaling magkasabay kayo? Saka kapag dinala ko dito ‘yon, ano na lang iisipin nila Tatay? Nina Giezel? Ng mga tao rito? Saka hindi naman ako babaero.

Ako: ‘Yon ang dahilan kung bakit ayoko sa mga kabanda mo eh, kasi alam kong kukunsintihin ka nila kagaya ng ginagawa mo sa kanila.

Repa: Talagang kukunsintihin ako ng mga ‘yon. Pero hindi ko naman gagawin sa ‘yo ‘yon, eh. Wala ka bang tiwala? Buti nga sinasabi ko ‘to sa ‘yo ngayon eh. (Nakapikit na) Mahal lang kita talaga.

Ako: (Natigilan) The Last Kiss! [referring to a movie] (sabay talikod sa kanya)

Repa: (Yumakap) Tara nga rito… humarap ka sa ‘kin.

Ako: Naiinis lang kasi ako sa sarili ko. (Naiiyak na) Kasi dati akala ko kilala ko na ang sarili ko. ‘Yon pala hindi ako ‘yong akala kong AKO. Sablay ako sa acads; sablay ako sa journalism; sablay ako sa video fest; sablay ako sa thesis… Dati sure na sure akong wala kang makikitang babae na mas higit sa ‘kin kasi nga achiever ako.  Saka nga ‘di ba ayaw mo sa bobo? Eh ngayon? Wala na akong maipagmamalaki sa ‘yo! Pa’no na lang kung may iba kang makitang mas higit sa ‘kin?

Repa: Ako rin naman walang maipagmamalaki, ah? Parehas lang tayo. (Yakap nang mahigpit) Masaya nga ako pareho na tayong talo, eh. At least pantay na tayo ngayon. :)

Ako: (Convinced, at napayakap na lang din)

Repa: At least ngayon, hindi na tayo complementary…

Ako: (Nagulat at nagtaka… baka kung ano nang sunod na sabihin niya)

Repa: …compatible na tayo! ♥

—–

Ako: Sinu-sino pa mga babaeng nagkakagusto sa ‘yo? Sa Sterling dati? Sa isa mo pang banda?

Repa: (Inisa-isa ang mga pangalan ng mga malalanding bruha)

Ako: (Nagulat sa dami ng mga babae at sa dami ng mga tamang suspetsa)

Repa: Alam mo ba kung ilang beses na ‘kong nangaliwa mula nang maging tayo?

Ako: (Nabingi) Ano???

Repa: Alam mo ba kako kung ilang beses na ‘kong nangaliwa mula nang maging tayo?

Ako: Ilan?

Repa: Wala. (Yakap ng mahigpit. Natulog na.)

Ako: (Nakatulog habang pinagmamasdan siyang matulog)


7 Responses to “If your man confessed that another girl kissed him”

  1. bevs says:

    hahahaha. haba ng chat natin. ngayon naiintidihan na kita kahit papano kebigan ;)

  2. autobazar says:

    Thanks, its usefully

  3. Troymanshitleg says:

    Jimi Hendrix! FTFW!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.