Wala na bang Ulitan? Nobyembre 8, 2009
Posted by lunatica in diary, journal.Tags: jamila millar, pag-ibig
trackback
Kupi na ang singsing
Wala nang macaroni salad
‘Di na mag-i-star gazing
‘Di na pupuntang Puregold
Hindi na titira ng sangkaterbang sitsirya
‘Di na mamimili ng sasakyang dyip
Hindi na uupo malapit sa estribo
O pagkakasyahin ang mga puwit sa tabi ni Manong Drayber
Wala nang maghihintay
Wala nang iinjanin
Wala na rin kasing usapan
Kasi nga hindi na magkikita
Hindi na ‘ko gagabihin
Kaya ‘di na makagagalitan
Wala nang tyangge
Itigil na ang pakikinig sa Silent Sanctuary
Ubos na ang empanada
Wala nang line-up sa gig
Sintonado na ang gitara
Wala na sa tyempo ang indak
Wala nang tinta ang panulat
Wala na ring kantang maisulat
Hindi na niya ako mahal
Ayawan na raw.
***
Kung nasaan ka man ngayon, mahal na mahal pa rin kita. Higit sa kayang ipakahulugan ng mga pinagdugtong-dugtong na pahayag ng makata.
Kumusta! Nagkataon lang na napadpad ako sa site mo, baka pwede na rin kitang ibilang sa mga respondents para sa thesis namin. Our topic is entitled: “TRIVIAL BLOGGING: A USES AND GRATIFICATIONS INQUIRY ABOUT IDENTITY PRESENTATION THROUGH THE BLOGGING PRACTICES OF YOUNG YOUNG PROFESSIONALS IN MANILA.” Kung willing ka magsagot ng online survey, maraming salamat! I’ll get your email address and you can send your reply through (my) e-mail address: ktlacorte@gmail.com SALAMAT NG MARAMI! –KT