jump to navigation

Bitter Stories Nobyembre 6, 2009

Posted by lunatica in journal.
Tags: , ,
trackback

Kung kailan naman naletse ang araw ko at gustong-gusto nang sumabog ng dibdib ko sa inis, saka naman walang signal ang Globe. Taenang ‘yan. So wala akong choice kundi iBlog ‘yong mensahe ko para sa kanya na ayaw magSend.

***

Ayoko nang suyuin ka, wala namang saysay. Sana kasi sinasabi mo na lang sa ‘kin nang deretsahan kung ayaw mo na at kung sawa ka na. Hindi ‘yong ganito. Bahala ka na, Velasco. Kung suko ka na sa ‘kin; suko na rin ako sa ‘yo. Magsama kayo ng gitara’t mga kabanda mo. ‘Wag na rin tayong magkita sa Linggo tutal may lakad ka yata. Ingat na lang lagi. Malaki ka na.

[Tinayp ko 'to habang nasa traysikel ako. Nanginginig sa galit. Nangingilid ang luha.]

***

[Pag-uwi ko sa bahay nakiTeks ako sa utol ko. Kaso sinawimpalad na magSend kaya heto, ibaBlog ko na lang din. Mas bumaba ang tono ng mensahe...]

Ingat ka na lang sa Linggo. Sige, magBanda ka lang kasi do’n ka naman masaya.

***

Tang ina. Pero deep inside, galit na galit na ‘ko. Hindi ko kasi mawari kung bakit siya gano’n. Napakabugok niya! At napakatanga ko naman para panghinayangan pa siya. Tae! Isang gagong lalaking napakahirap talikuran.

Nag-away kami ng matindi. Umabot na (naman) sa kasukdulan. Para na (naman) kaming mga politikong kalahok sa mud slinging. Pasaringang malupit. Bilangan nang bilangan. Pareho namang may pagkukulang.

Sa loob ng dalawang linggo, naging abala ako sa pagdyadyaryo. Alam naman niyang gan’to ‘ko. Una pa lang naman sinabi ko na sa kaniyang ganito ang mundo ko; sabi niya okay lang daw sa kanya. Gano’n daw niya ‘ko kamahal. Taena ka eh bakit ngayon napakagago mo para gawin sa ‘kin ‘to? Deh balikan mo ‘yong X mong walang ibang pangarap sa buhay kundi maging may-bahay mo lang. Hindi ako gano’ng klase ng babae. May pangarap ako. MARAMI.

At nang sa wakas ay magkaayos kami, gumawa na naman ang tadhana (o siya) ng dahilan para magkagulo na naman. Pagkatapos niya ‘kong pigilang sumayaw sa pagsisimula ng relasyon namin eh naghulagpos na ‘ko. Ayon, nanalo!!! At may offer pang makalipad ng China. Oo, as in Beijing!!! Eh di syempre inasikaso ko… nangako akong dadalawin ko siya [kasi hindi na niya 'ko dinadalaw sa 'min; isa 'yong napakalaki at napakawalang-saysay na bahagi ng E-G-O niya] pagkatapos ng mga gawain ko sa eskwelahan.

Alas sais ng gabi, papunta na kako ‘ko… Akalain mong sabihing huwag na lang daw at wala rin namang saysay dahil magkukwentuhan na lang kami sandali. So ayaw na niya ‘kong kausap, gano’n?! OKAY! Kaso makulit, nagpilit ako. Pupunta pa rin kako ‘ko ta’s pag-usapan namin ang mga pwede naming gawin sa Linggo. Mga kakaibang bagay. Gaya ng dati. Kaso wala siyang pakialam. Pagpunta ko ro’n, ‘di niya ‘ko kinakausap at panay lang ang gitara.

Deh makauwi na lang. So akala ko lalakarin na naman namin ang daan hanggang kanto, kaso binasag niya ang katahimikan sa pamamagitan ng effing phrase na, “Sumakay ka na lang.”

Alam mo ‘yon? Tumaas talaga ‘yong dugo ko mula talampakan papuntang sentido. Gano’n katindi. Kaya nga pag-uwi ko eh nagBlog na lang ako dahil binalak kong awayin na siya kaso eh pinigilan ako ng tadhana.

***

Tang inang araw ‘to. Metal na metal. Rakenrol ka! Letse! Wala talagang permanenteng bagay sa mundo kundi pagbabago.

Mga Puna»

No comments yet — be the first.