Old, High Times Pebrero 1, 2010
Posted by lunatica in journal.Tags: jamila millar, pag-ibig
add a comment
I am listening to our old songs hoping to feel close to what we have had. Then, I realized how far we have been for we no longer listen to them. We squeezed every juice of love and now it is dried. Cutting it short, I feel like losing you. Slowly. With reasons undefined and so are unrevealed.
“Kung hindi man tayo hanggang dulo. ‘Wag mong kalimutan, nandito lang ako laging umaalalay… Hindi ako lalayo. Dahil ang tanging panalangin ko ay IKAW.”
Who’s Who? Pebrero 1, 2010
Posted by lunatica in journal.Tags: jamila millar, pag-ibig
add a comment
I could always unwear our couple ring but something stops me. YOU. Though you’re self-centered and bossy and insensitive and serious. I hate it when you’re ignoring my stories yet you hate it when I don’t share you any. So, what do you think shall I do when almost always I looked like a fool waiting for your alm to rain on me?
There they are waiting for me to be free, yet here I am waiting for you to change your ethnocentric ways. Who am I stupid to love you still? Who are you stupid to hurt me?
Unang Tag-Araw Pebrero 1, 2010
Posted by lunatica in journal.Tags: jamila millar, pag-ibig
add a comment
Minsan gusto kong marinig ulit mula sa ‘yo kung gaano mo ako kamahal. Gaya no’ng naunang tag-araw kung kailan lubugan-sikatan tayo ng araw. Kung kailan iginugupo ako sa kaba ng mga halik at yakap mo. Kung kailan hindi pa mapagtanong ang mga titig mo. Sa panahon kung kailan alam kong akin ka. Buo. Dalisay.
Mahal mo pa nga ba ako o nakatagpo ka lang sa ‘kin ng babaeng maipagmamalaki mo at lalong magpapataas ng estado mo bilang isang lalaki? Mahal mo pa ba ako? O hindi mo na lang ako kayang iwan?
Wala na bang Ulitan? Nobyembre 8, 2009
Posted by lunatica in diary, journal.Tags: jamila millar, pag-ibig
1 comment so far
Kupi na ang singsing
Wala nang macaroni salad
‘Di na mag-i-star gazing
‘Di na pupuntang Puregold
Hindi na titira ng sangkaterbang sitsirya
‘Di na mamimili ng sasakyang dyip
Hindi na uupo malapit sa estribo
O pagkakasyahin ang mga puwit sa tabi ni Manong Drayber
Wala nang maghihintay
Wala nang iinjanin
Wala na rin kasing usapan
Kasi nga hindi na magkikita
Hindi na ‘ko gagabihin
Kaya ‘di na makagagalitan
Wala nang tyangge
Itigil na ang pakikinig sa Silent Sanctuary
Ubos na ang empanada
Wala nang line-up sa gig
Sintonado na ang gitara
Wala na sa tyempo ang indak
Wala nang tinta ang panulat
Wala na ring kantang maisulat
Hindi na niya ako mahal
Ayawan na raw.
***
Kung nasaan ka man ngayon, mahal na mahal pa rin kita. Higit sa kayang ipakahulugan ng mga pinagdugtong-dugtong na pahayag ng makata.
PacMan: Now You Know Nobyembre 6, 2009
Posted by lunatica in journal.Tags: jamila millar, pag-ibig
2 comments
‘Yang linyang ‘yan, halos araw-araw kong pinagtatawanan kapag nakikita ko sa TV. Hindi ko alam na napakalaki pala ng magiging papel niyan sa buhay ko.
Dati lagi kong tinatanong/inaaway si Mama kapag sinasagot niya ako ng, “Sige anak, pustahan tayo, kung ikaw man nasa kalagayan ko eh ganito ka rin. Pustahan magiging tanga ka rin.”
Oo nga. Tama siya. Nagagalit ako sa kanya noon kung bakit hindi niya magawang talikuran si Papa. Kung bakit mahal na mahal niya. Kung ano ba kasi ‘yong putangnang nakita niya. Wala namang kwenta, kadalasan. Mabibilang mo sa daliri ang silbi. Basta. Pumapakshet lang.
Haaay… tama pala si Pacquiao, “TRY ONE NOW.” Ngayon alam ko na. Now I know.
Bitter Stories Nobyembre 6, 2009
Posted by lunatica in journal.Tags: bitter, jamila millar, pag-ibig
add a comment
Kung kailan naman naletse ang araw ko at gustong-gusto nang sumabog ng dibdib ko sa inis, saka naman walang signal ang Globe. Taenang ‘yan. So wala akong choice kundi iBlog ‘yong mensahe ko para sa kanya na ayaw magSend.
***
Ayoko nang suyuin ka, wala namang saysay. Sana kasi sinasabi mo na lang sa ‘kin nang deretsahan kung ayaw mo na at kung sawa ka na. Hindi ‘yong ganito. Bahala ka na, Velasco. Kung suko ka na sa ‘kin; suko na rin ako sa ‘yo. Magsama kayo ng gitara’t mga kabanda mo. ‘Wag na rin tayong magkita sa Linggo tutal may lakad ka yata. Ingat na lang lagi. Malaki ka na.
[Tinayp ko 'to habang nasa traysikel ako. Nanginginig sa galit. Nangingilid ang luha.]
***
[Pag-uwi ko sa bahay nakiTeks ako sa utol ko. Kaso sinawimpalad na magSend kaya heto, ibaBlog ko na lang din. Mas bumaba ang tono ng mensahe...]
Ingat ka na lang sa Linggo. Sige, magBanda ka lang kasi do’n ka naman masaya.
***
Tang ina. Pero deep inside, galit na galit na ‘ko. Hindi ko kasi mawari kung bakit siya gano’n. Napakabugok niya! At napakatanga ko naman para panghinayangan pa siya. Tae! Isang gagong lalaking napakahirap talikuran.
Nag-away kami ng matindi. Umabot na (naman) sa kasukdulan. Para na (naman) kaming mga politikong kalahok sa mud slinging. Pasaringang malupit. Bilangan nang bilangan. Pareho namang may pagkukulang.
Sa loob ng dalawang linggo, naging abala ako sa pagdyadyaryo. Alam naman niyang gan’to ‘ko. Una pa lang naman sinabi ko na sa kaniyang ganito ang mundo ko; sabi niya okay lang daw sa kanya. Gano’n daw niya ‘ko kamahal. Taena ka eh bakit ngayon napakagago mo para gawin sa ‘kin ‘to? Deh balikan mo ‘yong X mong walang ibang pangarap sa buhay kundi maging may-bahay mo lang. Hindi ako gano’ng klase ng babae. May pangarap ako. MARAMI.
At nang sa wakas ay magkaayos kami, gumawa na naman ang tadhana (o siya) ng dahilan para magkagulo na naman. Pagkatapos niya ‘kong pigilang sumayaw sa pagsisimula ng relasyon namin eh naghulagpos na ‘ko. Ayon, nanalo!!! At may offer pang makalipad ng China. Oo, as in Beijing!!! Eh di syempre inasikaso ko… nangako akong dadalawin ko siya [kasi hindi na niya 'ko dinadalaw sa 'min; isa 'yong napakalaki at napakawalang-saysay na bahagi ng E-G-O niya] pagkatapos ng mga gawain ko sa eskwelahan.
Alas sais ng gabi, papunta na kako ‘ko… Akalain mong sabihing huwag na lang daw at wala rin namang saysay dahil magkukwentuhan na lang kami sandali. So ayaw na niya ‘kong kausap, gano’n?! OKAY! Kaso makulit, nagpilit ako. Pupunta pa rin kako ‘ko ta’s pag-usapan namin ang mga pwede naming gawin sa Linggo. Mga kakaibang bagay. Gaya ng dati. Kaso wala siyang pakialam. Pagpunta ko ro’n, ‘di niya ‘ko kinakausap at panay lang ang gitara.
Deh makauwi na lang. So akala ko lalakarin na naman namin ang daan hanggang kanto, kaso binasag niya ang katahimikan sa pamamagitan ng effing phrase na, “Sumakay ka na lang.”
Alam mo ‘yon? Tumaas talaga ‘yong dugo ko mula talampakan papuntang sentido. Gano’n katindi. Kaya nga pag-uwi ko eh nagBlog na lang ako dahil binalak kong awayin na siya kaso eh pinigilan ako ng tadhana.
***
Tang inang araw ‘to. Metal na metal. Rakenrol ka! Letse! Wala talagang permanenteng bagay sa mundo kundi pagbabago.
Busy Nobyembre 5, 2009
Posted by lunatica in journal.add a comment
Shetnes, dahil sa dami ng mga ginagawa ko weh ang dami nang mga kwentong lumipas. Tsk. Sa susunod na linggo, sana’y magkaroon ng espasyo ang kalendaryo ko para rito.
Noong Undas… Nobyembre 5, 2009
Posted by lunatica in journal.Tags: jamila millar, undas 09
add a comment



Mayroon Akong Kwento Oktubre 7, 2009
Posted by lunatica in Uncategorized.Tags: jamila millar
2 comments
Maraming-maraming kwento.
Tambak-tambak na sa utak ko.
Paulit-ulit kong sinusubok na gawin ngunit ‘di ko magawa.
Sa susunod na linggo, pangako, magsusulat ako.
Matapos ko lang ang sangkatutak kong mga proyekto.
Ondoyed Setyembre 30, 2009
Posted by lunatica in journal.Tags: Baguio, Bulacan, jamila millar, ondoy, OSSEI
add a comment
I’ve been stranded in Baguio (for one whole day) and in Hagonoy (overnight) just because of Ondoy.
Well, umpisahan natin ang kuwento kung paano nga ba ako napadpad na naman ng Baguio kahit ‘di pa naman tag-araw. Dumalo kasi ako, kasama ng dalawa pang kapwa campus-editors, sa OSSEI na ginanap sa Hotel Supreme. Kung ano nga ba ‘yong OSSEI eh hindi ko na maalala. Basta, national seminar-workshop iyon. Okay naman, kaso yamot lang ‘yong isang speaker. Lumilipad kung saan-saan ‘yong topic. RIGHTIST kasi siya bukod sa kahawig pa niya’y isang komedyana. Ewan!
Funny Expiriences:
1. Kape… Alak. Unang gabi, Sep. 24, nakaramdam kami ni Aix ng matinding pangangailangan ng kape. ‘Yong murang kape. Hindi ‘yong mapapamura ka sa presyo’t hindi sa sarap! Sa paghahanap ay nakasalubong kami ng isang matandang lalaking lasing (umaapaw ang adjectives, haha) at nang tinangka na naming lumihis ng daan ay siya namang habol niya sa amin. Nag-unahan ang kanan at kaliwa naming paa sa pagtakbo paakyat. Diyos ko, ang lakas lang ng kabog ng dibdib ko! Medyo malayo-layo pa bago kami nakahanap ng kapeng 3-in-1, choco fudge pa nga yata ‘yong nahablot ko sa tindahan na ‘yon. In fairness, dahil sa eksenang ‘yon eh pinawisan talaga ako. Hahaha.
2. Tuesday Vargas. Kinarir naming tatlo ang pagsusulat ng editoryal nang hapong ‘yon. THE SUFFRAGE SHOW. Isang malinis na article kung saan inihambing ang 2010 Elections sa Film Showing. At ang aming napala? WALA! Taenang speaker ‘yon, gago siya, lahat ng tagapagsalita eh nakapagbigay ng special awards eh namumukod-tangi siyang TAE. Eh siya pa naman ‘yong maangas kung magsasalita, akala mo naman kung sino na. Ampnez ka, ‘Te! Magbago ka na! (Hindi po siya si Tuesday.)
3. Kumusta, Kapatagan? Uwing-uwi na kami ni Eve. Matapos mamili ng kung ano-anong panuhol, na obligasyon mo na yatang gawin tuwing lalayo ka’t hindi matutulog sa sarili mong bahay, kinuha na namin kaagad ‘yong aming mga dala-dalahan. Ang tagal namin bago nakakuha ng Taxi na maghahatid sa ‘min sa bus terminal. Isang oras matapos kong magpaulan, take note of the short shorts at mga balitang sinasalanta na ang mahal kong lalawigang Bulacan, nakasakay rin kami. Pagdating sa terminal, binati ako ni Manong Guard at ang sabi, “Walang biyahe!” Nginitian ko lang siya sa pag-aakalang inaasar lang niya ‘ko dahil kyut ako. ‘Yon pala mali. Tama siya. Kanselado raw ang byahe papuntang Maynila at San Fernando dahil, oo, kay ONDOY.
4. Pogi Watching. Pok na pok ang dating. Hahaha. Ang totoo niyan eh kung pwede lang siyang iuwu eh ginawa ko na. Ganda lang niyang tumitig. Ta’s saka ngingiti na animo inosenteng nagpapasaluno. Hahaha. Kaso, nakikingiti rin si Ate. Baby, as in sanggol, niya kasi ‘yong nagpapakyut sa ‘kin eh. Hehehe. Sayang. Ang kyut niya talaga. Moreno pero namumula ‘yong pisngi.
Gabi ng Sep. 25, habang nagkokodakan kami ni Eve sa hagdan (at si Aica nama’y nagsasaulo ng 100 mahigit na artikulo’t batas) eh may lumapit sa aming mga binibini. Nag-aayang panoorin daw namin ‘yong dance contest. Sumama naman kami sa pag-aakalang mag hidden program pala ang OSSEI nang gabing ‘yon. Pagdating sa lugar eh, ayon, dance contest nga ng accounting students from CAR and Region I. Kaya pala nagulat sila nang malamang student-journalists kako kami. Pero ayos naman, natawa naman ako sa pinaggagagawa no’ng iba eh. Puwera biro, nakakatawa talaga. Natuwa lang ako sa special number ng ShowStoppers eh. Pogi sila ‘pag sumasayaw. In fairness. Nakabalik kami sa kwarto bandang alas-dyis na yata?!
5. Hotel Hopping. Hindi ko nagawa sa Palawan ang mag-island hopping pero, kita mo nga naman. Hindi ko inaasahang makakapag-hotel hop ako sa Baguio! Nanlulumo kaming bumalik sa bayan dahil sa masaklap na balitang ‘yon. Hotel Veniz is our next stop. Nakakuha ng last available room. Bengga! Ang bigat lang naman ng bag at ng pinamili ko. ‘Yong strawberries, tsk! Nagkodakan na lang kami nang makabawi. Hindi namin nagawa ‘yon habang may seminar-workshop eh. Pero ‘di rin naman ibig-sabihin no’n na nakinig nga kami. Hahaha.
Kinaumagahan, matapos mag-almusal eh bumaba na kami. Hay salamat naman, noh. Ang dami-daming trabaho ang naiwan namin sa Bulacan. Saka, ‘yong mga pamilya namin, iniisip din namin, syempre. Sa terminal, medyo matagal kaming pumila pero ayos lang naman. Pagsakay sa bus, iba ang pakiramdam. Parang mas malamig yata. Tinangka naming i-adjust ang aircon, ibaling iyon sa ibang pwesto ngunit walang nangyari. Nakaistaka yata?! Sus, ang ngatog lang namin ni Eve. Naka-jacket na siya, pinahiram ko pa siya ulit ng isa pa. Ikinumot namin ‘yong tuwalyang ‘di ko naman nagamit. Salamat sa Victory Liner, nawindang ang short shorts part 2 ko. Hahahaha. Pagdating sa Pampanga, tinapalan na namin ni Eve ng tape ‘yong taenang erkon. At tuluyan na ngang guminhawa ang aming pakiradam. Natutuwa ako do’n sa mga patak ng ulan sa may bintana ng bus, para silang isinasayaw ng hangin. Hehehe.
Kaso, hindi pa ‘ko nakauwi nito. Sabi NIYA eh ihiwalay ko raw ng entry kung iba-blog ko ‘to eh. Sige. Hala na.